TOP
Header PostFeaturedImage 08

Paglikha ni Benilda S. Santos

28 Oktubre 2006

Mahal kong [T.],

Unti-unti, nakararating din
sa kamangha-manghang
sarili!

Lagi,
Ma’am Beni

Mahal kong Ma’am Beni:

Balang-araw magkakaroon din ako ng lakas na tawagin kayong Inay, at yakapin kayo nang mahigpit na mahigpit.

T.

Paglikha
Benilda S. Santos

Tuwing makakahanap ako ng tula
sa laktaw-laktaw na liwanag sa ulap sa gabi,
sa laganap na dilim ng ulap sa araw,
ang natatagpuan ko ay buwan at ulan.

Sa mukha ng buwan
nababasa ko ang paglusong at pag-ahon,
ang pagkukubli at paglalantad, at
ang himala ng pagiging malinis na ostisya ng langit
sa kabila ng maraming pilat.

Sa patak ng ulan
naririnig ko ang lagaslas at ragasa,
ang hikbi at hagulgol, at
ang himala ng pagiging dalisay na alak ng lupa
sa kabila ng alat at pait.

At isusulat ko:
Ako ang ulap na bilanggo ng liwanag at dilim,
na magpahanggang-ngayon lambong lamang ng buwan
at magpahanggang-wakas lambat lamang ng ulan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: